ball.jpg

Binigay ko sa’yo ang lahat

Sige, simulan natin sa mga lobo,

sa placard na bitbit ko, sa sorpresa

dahil nais ko’ng gawing espesyal

ang araw ng kapanganakan mo

dahil sa pagdating mo sa mundo

nasilayan ka

ng puso ko.

 

Balikan natin ang mga kuwento-kuwento,

mga detalyeng naririnig ko,

mga lihim na may kalakip na patalim

na makailang ulit na tumarak sa akin

at kung bakit,

diosko bakit

mas pinili pa’ring ngumiti sa harap mo?

 

Binigay ko sa’yo ang lahat

kaya natutunan ko’ng hindi lahat ng “lahat”

ay sasapat

minsan pala kahit ituun ko ang aking mga mata,

aking tinig, aking kamay at puso,

wala at wala kang masasalat

ang paglalambing na iaalay ko sa’yo

ay magbabalot lang ng init sa gabi

na unti-unti ring maglalaho

gaya ng dilim sa pagdating ng liwanag.

Oo alam ko

—kaya sa paglisan ng gabi

ang text ko, “Good morning, bi”

nagpapaalala na kahit wala na ang init

eto ako

handang i-refill yang salawahan mo’ng puso

ng ako, ako, ako, ako

kasi eto lang ang alam ko,

ang ibigay sa’yo ang lahat

ng ako.

 

~image by Jacob Chen

Advertisements

Say what you think!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s