https://unsplash.com/mili_vigerova

Ikaw ang paksa ng ulan.

Dala mo ang mabibigat na ulap — kaya alam ko.

Sa iyang paglalakad, nakasukbit sa ‘yung balikat

maninipis na tali

na sa kadulu-duluhan

ay walang tangan na saranggola

o guryon.

Dahil sa dulo nakatali ang

isang makulimlim na ulap,

singlaki ng twenty-one inch TV

ng kapitbahay n’yo.

Sa loob makikita ang panakaw na paglilikut ng kidlat

Ibig kumawala

sa maitim na pagkukubli.

Katahimikan: impit na pagsingaw

sa lansangan. Pawis

na tumutubo sa gilid ng ‘yong noo.

Ngunit bago pa sila mag-unahang kumaripas ng takbo pababa

sa ‘yong mukha

pumatak ang unang luha.

Hindi ambun na pahikbi,

ngunit ulang bawat patak

ay namumutawi sa bilog at laki.

Ikaw ang paksa.

Tanging ikaw.

Advertisements

Say what you think!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s